galing sa blog ni Liam:
Prof. Monico Atienza also passed away this afternoon.
Hindi ako makahinga. Nakakapanghina. Nung freshie palang ako, si Sir Monico ang isa sa mga unang propesor na nakasalamuha ko sa KAL. Kailangan kong gumawa ng paper nun para sa KAS at may nagturo sakin ng kwarto nya. Interbyuhin ko daw tungkol sa First Quarter Storm. Wala pa talaga akong masyadong alam nun tungkol sa mass activism o SR movement. Para talaga akong tanga habang matiyaga akong pinaliliwanagan ni Sir Monico. Hindi ko na masyadong maalala kung ano yung mga eksaktong sinabi o kinuwento nya sa akin, pero natatandaan ko kung gaano ka-impassioned ang Propesor habang nagbabahagi ng partisipasyon nya; partisipasyon nila.
Medyo maswerte pala ako nun kasi natsambahan kong good mood sya. Sa pagdaan ng panahon, malalaman kong may "moods" pala ang Sir Monico. Pero nasa moda man syang nagsusungit, hindi nakakalimot ang butihing matanda na mangamusta. Hindi rin sya nagsasawang magpaliwanag. Isa si Sir Monico sa pinakamagaling at pinakamabuting guro na nakilala ko.
Hindi man lang ako makakapunta sa burol nya. :(
Nasan man sya ngayon, may he rest in peace.
No comments:
Post a Comment